This story was taken from a forwarded email... hope this can serve as an eye opener to all of us...
***********************
Namatay si Nanay noong Enero 8,2008 sa edad na 92 taong gulang. Sabi ng marami super bonus na daw yung makarating ka sa ganuong edad. Siguro totoo nga yun. Pero kung makakahirit pa siguro ako, hihirit pa rin ako. Iba kasi yung kahit matanda na ang nanay mo andyan pa rin siya.
Hustong 11 araw mula ng magkasakit siya mula noong Dis. 28,2007. Dinala ko siya sa doktor.Inexray pa nga siya.Niresatahan naman siya ng gamot. Nag-iisa siya sa kuwarto niya. Pero nung Dis. 29,2007 dun ako natutulog para samahan siya. Lagi siyang puyat kasi inuubo siya. Nakakakain naman siya nung mga unang araw. Pero nung bandang huli gusto niya ay lugaw dahil masakit daw ang lalamunan niya. Mahusay din siyang uminom ng gamot at bitamina. Lumalakas na nga siyang kumain kahit pa lugaw lang. Sa umaga champorado(paborito niya) at sa tanghali at gabi ay lugaw o kaya naman ay sopas o kaya naman ay pinaghalong lugaw at sopas. Noong Enero 1,2008 , bagong taon medyo matamlay siya. Pero kumakain pa rin siya at umiinom ng gamot at bitamina. Sinabihan ko pa siya na magpalakas siya at magsisimba kami pagdating ng Linggo. Tapos kakain kami sa Jolibee. Buong akala ko pagaling na siya. Tinanong pa nga niya kung bakit hindi nagpapaputok yung katabi naming apartment. Taun-taon kasi marami siyang paputok at fireworks. Sabi ko hindi dumating yung inorder na mga paputok. Nanuod na lang kami ng fireworks sa TV.
Umaga ng bagong taon bago mananghali dumating ang maga kapatid ko at dinalaw siya. Me dala silang pagkain. Pero di na rin siya kumain ng mga dala nila. Lugaw pa rin. Pero magana siya noon.
Linggo, Enero 6, 2008, medyo matamlay siya. Pero hindi na siya masyadong napupuyat kasi hindi na siya inuubo. Pero nilagyan ko siya ng diaper sa unang pagkakataon. Nanghihina daw siyang umupo sa arinola niya. Sabi ko ok lang sa diaper siya umihi o pumupo. Nahihiya pa nga siya. Lunes ng umaga me pupo ang diaper niya. Nilinis ko siya tulad ng araw-araw kong ginagawa sa kanya mula nung magkasakit siya. Tuwing umaga ay nililinisan ko siya at binbihisan, pinopolbohan at nilalagyan ng cologne. Ayaw niya kasi na mabaho siya. Kumain pa rin naman siya at uminom ng gamot.
Martes ng umaga muli ko siyang nilinisan. Iniupo ko pa siya sa upuan niya sa kuwarto niya pagkalinis ko sa kanya. Tapos nilinis ko rin ang kama niya. Nung makita niyang ayos na ang kama niya tinawagan niya ako at sumenyas na hihiga na siya. Kailangan ko na siyang yakapin pagbalik niya sa kama kasi hirap na siyang maglakad noon at parang humihingal na siya. Pagkahiga niya sa kama humugot siya ng isang malalim na hinga...at yun na. Wala na si Nanay...
Ang buhay pala ng isang tao ay natatapos lamang sa isang malalim na hugot ng hininga! Yakap-yakap ko pa siya ng mamatay siya. Alam ko patay na siya pero in denial pa rin ako na patay na siya. Kinakausap ko pa rin siya. Nung bandang huli, ibinulong ko na lang sa teynga niya na "Nanay kung nahihirapan ka na talaga, huwag mo na akong alalahanin. Hindi ako pababayaan ng Diyos. Mahal na mahal kita!"
Yun lang itinikom na niya ang kanyang bibig at ipinikit ang kanyang mga mata.
Paalam po Nanay. Sana po naipadama ko sa inyo ang aking pagmamahal hanggang sa huling sandali ng iyong buhay. At kung anuman ang mga naging pagkukulang ko o naging kasalanan ko sa inyo , patawad po. Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos at nabigyan ako ng pagkakataong maipadama ke Nanay ang pag-aruga at pagmamahal ko sa kanya.
Ginawa ko ang liham na ito para sa mga anak na nabubuhay pa ang mga magulang.Tulad ng Sulat ni Tatay at Nanay na nilikha ni Rev.Fr. Ariel Robles. Sana makarating ang mensahe
Napakadali ng buhay ng tao. Sa Nanay ko nga me bonus na! Sana sa pamamagitan nito mapagtanto natin na may panahon pa para maipadama sa kanila na MAHAL NATIN SILA!
******************
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment