O, bakit ka na naman na-i-istress? Did you wake up on the wrong side of the bed? Meron ka bang deadline na i-bi-beat ngayong araw na ito? It's important to understand stress before we can effectively manage it kaya Stress ang pag-uusapan natin ngayon.
Ayon sa mga scientists mayroong dalawang uri ng stress. Eustress and Distress.
Eustress is positive stress. Ito ang nararamdaman ng isang dalaga kapag dumarating na ang kanyang manliligaw at may daladalang flowers. Eustress din ang tawag sa stress na nararanasan ng mga nagwo- work-out when they are doing their exercises. Ang mga athletes, pagkatapos na ma-stress ang kanilang muscles, they rest para ma-repair ang kanilang muscles. Kapag hindi sila nagpahinga, the stressed muscles will be injured.
When injury happens, yan ang distress. Distress is the negative side of stress. Nakakaramdam ka na ng sakit ng ulo, pagsakit ng tiyan, hindi na makatulog, di pa makakain. Distress ang uri ng stress na nagreresulta sa kung ano-anong sakit tulad ng hypertension, minsan nga ay emotional breakdown pa.
Ano ba ang pwede nating gawin para ang stress natin ay hindi maging distress?
Famous author and inspirational speaker, Dr. John Maxwell has the following suggestions:
> Don't be overly sensitive to criticism.
> Tanggapin na natin ang katotohanang hindi natin kayang i-please ang lahat ng tao.
> Talagang mayroong hindi aayon sa iyo kahit na napaka-noble ng iyong mga intentions and motives.
> So when you receive criticisms, take it constructively kung sensible ang criticism.
> If you think the criticism is not objective, huwag na lang pansinin at ng hindi ka ma-distress.
> Don't take too much pride in your achievements.
> Ang pride ay parang uling, ginagatungan niyan ang distress.
> Ang taong proud ay mas lalong nadi-distress dahil masyado niyang iniingatan ang kanyang achievement at accomplishment.
> Minsan nga our achievements hinder us from growing and learning kasi sinasabi natin sa ating sarili, aba may na-accomplish na ko. Mas mahusay ako kaysa sa iba, hindi na nila ko pwedeng turuan.
Ang lungkot ng buhay kapag naging ganyang ang attitude natin. Don't harbor jealousy over the achievement of others. Ang taong mainggitin madalas ding madistress, kasi nga totoo namang mayroong mas higit kaysa sa atin. Natural ang iba ay maaaring magkaroon ng achievements na wala tayo di ba. Instead of being jealous or envious, let's learn to rejoice in the successes of others. Malay mo malibre ka pa bogchi dahil nakikigalak ka sa kanilang tagumpay, di ba?
Don't focus on your weaknesses and inadequacies. Ang sugat kapag mas lalo mong ginalaw mas lalong lalala at baka maimpeksyon. The more you focus on your weaknesses and inadequacies
the bigger the tendency of wallowing in self-pity. While it is important to acknowledge your inadequacies, it is helpful to focus on your strengths and capabilities.
One effective way of fighting distress is by counting our blessings - the good things which life brings. When we have grateful hearts, we will always be reminded that we are too blessed to be stressed!
Someone wrote that:
"The shortest distance between a problem and a solution is the distance between your knees and the floor. The one who kneels to the Lord can stand up to anything."
Sunday, November 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment